Sunday, January 12, 2014

TRANSISYON

ako si JUAN(hindi totoong pangalan) 21 years old Nursing student,  na diagnosed na positibo sa HIV nitong nakarang Jan. 10, 2014. Nag simula akong pumasok sa HOMOSEXUAL relationship noong 4th yr. college noong 2011, una kong nging kalaguyo ay ang aking kaduty noon sa ospital, hanggang sa nasundan ng nasundan. lhat ng nging karelasyon ko ay hndi lumalagpas ng 6 na buwan. dala siguro ng kabataan at sa pgsali sa mga Gay sites na kung saan ay nkita ko na makai pla ang mundo ng HOMOSEXUAL dito ko naramdaman ang pagtanggap sa akin nkakilala ako ng mga kaibgan at ang iba doon ay nging karelasyon ko kabilang doon sa 6 na nabanggit.

       Nagkaroon ako noon ng 2 past account sa isang gay site ung una ay ikinansela ko bagamat my problema akong kinahaharap noon dahil sa kumalat n aking  video ay binura ko ito para sa aking partner dhil nga nalaman niya itong ganitong activity, nalaman nya din ang aking video pero natanggap niya padin ako pero, ngunit hindi nanging happy ending ang aming istorya. kaya gumawa ko ulit ng account sa parehong gay site at ipinangako ko sasarili ko na pakikipgkaibigan nalang ang aking gagawin doon, pero binali ko ang pangakong iyon sa sarili.

      Doon ko nakilala ang aking pinakamamahal nga partner ngayon at mag 8 months na kmi ngaung Pebrero. Siya na ang pinakamasaya, pinakamalambing, at pinagdarasal kong tao. Hindi naman ganoong kaperpekto ang aming relasyon katulad ng sa iba kong mga nakarelasyon pero sa kanya ko lang naramdaman itong ganitong pakiramdam na "I cant let him go", tinuruan nya akong baguhin ang aking sarili maging mas maunawaain, maging totoo, at higit sa lahat magmahal ng walang pasubali.

  Ngunit ngayon ay ikinahaharap namin ang isang malaking problema na mgbabago ng takbo ng aming buhay. At ito nga ay ang  HIV,Nagpatest ako sa isang clinic sa west avenue bago ang araw ng aking board exam Dec 6 2013, dahil nga ngaalala na kami sa bukol sa aking leeg at pang hihina ng aking katawan at sa parehong araw ay nakuha ko na din ang resulta REACTIVE, nakangiti pa akong sumasagot sa mga katanungan ng Doktor sa clinic tila hinda pa nag "sisink in" sa akin ang resulta ngunit paglabas ko ng clinic doon ko na naramadaman ang kalungkutan ang daming tanong, mga idea na pumapasok sa aking isipan. Doon ko na tinawagan ang aking partner at sinabing reactive ang resulta, habang ako'y lugmok na lugmok na umiiyak sa terminal ng Trinoma  hndi alam ang susunod na gagawin ay siyang pagpapalakas ng aking loob ang ginagawa ng aking partner. hanggang sa napagdesisyunan namin na  sabay kaming nagpatest  matapos lang ang aking BOARD exam.


        Disyembre  10, 2013 hapon sa San Lazaro, matapos namin magpatest ay nagbakasyon muna kami sa baguio, napaka saya ng aming relasyon, para kaming mga bata na nghaharutan, kulitan, bagamat malayo ang agwat ng kanyang edad sa akin. Dumaan ang Pasko, Bagong Taon, hndi pa namin nakukuha ang resulta ng aming test. Ang hirap dahil hindi lamang ang resulta ng aking Board exam ang aking iniisip pati nadin ng aming test. Jan. 10, 2014  araw ng pagkuha namin ng resulta ay hindi kami magkasundo dahil lang sa hindi nya pagtetext ng ilang minuto (ganyan kami kachildish) dirediretso kami sa kuhaan ng resulta sa  San Lazaro, na aalala ko ang pakiramdam ko noong mga oras na un kumakabog ang akig dibdib sa kaba, at ng makuha namin ang envelope na naglalaman ng resulta ay agad kaming lumabas at doo'y binuksan namin ng sabay ang envelope mabilis niyang nabuksan ang sa kanya at nakitang NON-REACTIVE, samantalang ako ay dahan dahan kong binuklat ang papel sinubukan niya pang silipin ang aking resulta ngunit sinungitan ko siya at sinabing "ano ba?" at ng mabuklat ko ang papel tumambad sa akin ang mga katagang REACTIVE- REACTIVE at POSITIVE, hindi ko alam ang magiging reaksyon ko, at sabay hinatak niya ang aking papel para tignan nakita niyang POSITIVE, inakbayan niya ako na para ko siyang kuya pinalalakas ang aking loob, at dumretso kmi sa  H4 ng San Lazaro kung saan ang mga POSITIVE na tulad ko ay matatagpuan, duaan ako sa post counseling, at nag pa iskedyul ng CD4 test at iba pang test..


    Habang naroon kami sa H4 ay nalulungkot ako para sa partner ko hindi sa aking sarili. Dahil sa dami ng kanyang problema sa pamilya, ay dumagdag pa ako.. dumating sa point na iniisip ko na baka iwan nya na ako dahil nga pabigat pa ako sa kanya pero sinabi niyang hndi nya gagawin yun at sabay naming haharapin ang ganitong problema, Na nagpapalakas ng aking loob para lumaban. wala pang lumabas na kakaonting luha noon oras na mga yun, dahil tulad nga ng dati "hindi pa nagsisink in" or " nagmamatigas lang ako para makita ng partner ko na lumalaban ako.


  Byahe na papauwi, habang kami ay nasa bus papuntang Ortigas ay, doon bumuhos ang aking mga luha, umiiyak na parang bata sa kanyang nakatatandang kapatid, nagsosorry sa mga pangyayari.. problemado sa mga susunod na mangyayari....


No comments:

Post a Comment